Text Message 9182: Tanggap na ako, binigyan pako kaagad ng murder case

Lito Lapid gustong maging pulis, nag-apply at in-interview ng hepe ng pulis.

Hepe: Ano ang 2 + 2?
Lito: Ummmmm… 4!
Hepe: Ano ang square root ng 100?
Lito: Ummmmm… 10!
Hepe: Good! Sino ang pumatay kay Ninoy Aquino?
Lito: Ummmm.. Di ko alam.
Hepe: Ok, sige, umuwi ka muna at pagisipan mo, tapos bumalik ka bukas.

Pagdating ni Lito sa bahay, tumawag ang kanyang anak na si Mark at tinanong kung tanggap na sya. Sagot ni Lito, “Tanggap na ako. Binigyan pa nga ako kaagad ni Hepe ng murder case!”

Show Comments