Text Message 9311: Hindi ako pabagu-bago ng isip

Doktor: Ano nga pala ang pangalan nyo?
Babae: Hilaria Bato po.
Doktor: A, oo, natatandaan ko po kayo. Ilan taon na po kayo?
Babae: Eksaktong 35 taon na po.
Doktor: Aba’y tatlong taon na pong ganyan ang sinasabi nyong edad sakin.
Babae: Aba, doktor. Hindi po ako katulad ng ibang babae riyan na pabagu-bago isip at kanilang sinasabi. Ang sinabi ngaun ay iba naman bukas. Ako po ay may iisang salita.

Show Comments